2 Chinese nationals natimbog ng PDEA sa P20-M halaga ng shabu

PDEA PHOTO

Naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Chinese citizens sa ikinasang anti-drug operation sa Quezon City.

Kinilala ang dalawa na sina Zeng Shilian, 48, residente ng 60 Balong Bato at Jack Lee, 34, residente ng 126 Speaker Perez St., kapwa sa Quezon City.

Nakuha sa kanila ang tatlong kilo ng shabu na may halagang P20.4 milyon.

Ikinasa ang buy-bust operation sa 705 Nice Hotel sa E.Rodriguez Ave., alas-11:30 kagabi.

Mahaharap ang dalawang banyaga sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa drug trafficking.

Read more...