Aika Robredo: Tapat at maayos na pamamahala ang alok ng administrasyong-Leni

“Hindi magnanakaw, hindi ka lolokohin, ibibigay iyong karapat-dapat para sa ating mga kababayan, na talaga pong magiging tapat sila sa kanilang tungkulin.”

 

Ito ang pagtitiyak ni Aika Robredo na mangyayari sa administrasyong-Leni Robredo, bukod pa aniya sa walang humpay na pagta-trabaho para maiangat ang buhay ng bawat Filipino.

 

“Tatlong bagay, una iyong pagkumbinse po na sa kanya iyong uri ng pamahalaan na nire-represent nya ay isang sang uri ng gobyerno na aangat ang buhay ng lahat,” sabi pa ni Aika sa isang panayam sa radyo.

 

Sinabi pa nito, marami sa mga ipinapangako ng mga kandidato ay nagawa na ng kanyang ina sa halos anim na taon na pagsisilbi nito sa bansa at sambayanan.

“Iyong iba po na nag-a-apply for the position, pinapangako pa lang nila pero si Leni Robredo marami nang nagawa sa Office of the Vice President,” dagdag ni Aika.

Aniya kung nabigyan lamang ng ganap na suporta ang Office of the Vice President ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, tiyak na mas marami pa itong nagawa at napagsilbihan sa pamamagitan ng kanyang mga programa.

Tiwala din ang nakakabatang Robredo na magagawa ng kanyang ina na pagbuklurin ang mga Filipino para sa pagbangon ng bansa mula sa mga epekto ng kasalukuyang krisis-pangkalusugan at sa iba pang hamon.

“Napakaraming hamon ang haharapin natin in the coming years. Ngayong 2022, importante na iyong leader na ihahalal natin is someone who can bring us all together and inspire us to work together despite our differences kasi po ito lang ‘yung only way para malagpasan natin ito lahat,” wika niya.

Read more...