Hiniling ng EcoWaste Coalition sa online shopping giants, Lazada at Shopee, na ipagbawal ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na skin whitening products na may mercury.
Ginawa ng environmental group ang apila bilang suporta sa pagdiriwang ng International Women’s Month.
Sinabi ni EWC National Coordinator Aileen Lucero sa kabila ng polisiya na nagbabawal sa pagbebenta ng mga produktong nakakasama sa kalusugan, may third-party dealers ang patuloy na nagbebenta sa online shopping sites ng mga pampaputi ng balat na may mercury.
“Please remove advertisements for and sellers of such products from your platforms. Your immediate action will help protect consumers from being exposed to toxic mercury,” apila ng EcoWaste sa Lazada at Shopee.
May pag-apila din sila sa online at offline sellers.
“We take this opportunity to reiterate our appeal to all online and offline sellers to stop the sale of mercury-containing cosmetics. Your compliance will support the global ban on mercury-added cosmetics under the Minamata Convention on Mercury.”