DOTr, DA pinaghahanda na ni Sen. Sonny Angara sa distribusyon ng fuel vouchers

JUN CORONA / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Hiniling ni Senator Sonny Angara sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Agriculture (DA) na paghandaan na ang pamamahagi ng fuel vouchers sa mga sektor ng pampublikong transportasyon at agrikultura na lubhang apektado ng patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

 

Ayon sa senador may kabuuang P8 bilyon para sa subsidiya sa mga drivers at operators, magsasaka at mangingisda at ang halaga ay nakapaloob sa 2022 General Appropriations Act.

 

Kasama dito ang P2.5 bilyon ayuda sa mga kuwalipikadong public utility vehicles (PUVs), taxi, tricycle, ride hailing at delivery services drivers.

 

May P500 milyon naman para sa diskuwento sa mga produktong-petrolyo ng mga magsasaka at mangingisda.

 

Paliwanag ng namumuno sa Senate Committee on Finance, ilalabas ang subsidiya kapag humigit na sa $80 ang halaga ng kada bariles ng Dubai crude oil.

 

Ngayon, ayon pa kay Angara, higit $100 kada bariles na ang Dubai crude oil kayat dapat ay pinaghahandaan na ang pamamahagi ng subsidiya.

Read more...