Pangulong Duterte, inendorso ang kandidatura ni Chiz Escudero sa pagka-senador

Photo credit: Sorsogon Provincial Information Office/Facebook

Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Sorsogon Governor Chiz Escudero upang makabalik sa Senado.

Sa isang video message, sinabi ng pangulo na malaki ang maitutulong ni Escudero sa pagbuo ng mga batas at reporma sa bansa, lalo na sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Umaasa ang pangulo na isasama ng publiko si Escudero sa listahan ng mga nais maging senador sa nalalapit na eleksyon sa May 9.

Sa inilabas namang pahayag, nagpahayag ng pasasalamat si Escudero sa pag-endorso at tiwala ng Punong Ehekutibo.

Mas pag-iibayuhin aniya niya ang pagtatrabaho upang mapalakas ang serbisyo sa publiko.

Matatandaang nagsilbi na bilang senador si Escudero simula 2007 hanggang 2019.

Read more...