Bumaba na sa ‘low risk’ status sa COVID-19 ang ibang lalawigan sa Central at Western Visayas, ayon sa OCTA Research.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang March 8, nasa ‘low risk’ level na ang Aklan, Antique, Capiz, Cebu, Guimaramas, Iloilo, at Negros Oriental.
Nasa ‘very low risk’ category naman ang Bohol, Negros Occidental, at Siquijor.
Nakapagtala ng one-week growth rate sa mga sumusunod na lalawigan: -56 percent sa Aklan, -35 percent sa Antique, -25 percent sa Bohol, -39 percent sa Capiz, -33 percent sa Cebu, -50 percent sa Guimaras, -27 percent sa Iloilo, -47 percent sa Negros Occidental, -54 percent sa Negros Oriental, -25 percent sa Siquijor.
Narito naman ang reproduction number sa nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Aklan (0.18)
– Antique (0.31)
– Bohol (0.30)
– Capiz (0.28)
– Cebu (0.31)
– Guimaras (0.47)
– Iloilo (0.37)
– Negros Occidental (0.19)
– Negros Oriental (0.17)
– Siquijor (0.21)