Mahigit 500 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) hanggang sa araw ng Miyerkules (March 9), 580 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 3,669,283 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 47,471 o 1.3 porsyento ang aktibong kaso.
Samantala, nasa 57,182 o 1.6 porsyento naman ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,564,630 na o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES