Pangulong Duterte, itinalaga si Abdullah Derupong Mama-o bilang kalihim ng Department of Migrant Workers

PCOO photo

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Abdullah Derupong Mama-o bilang kalihim ng bagong tatag na Department of Migrant Workers.

Bago naitalaga sa bagong puwesto, nagsilbi muna si Mama-o bilang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ang malawak na karanasan at kwalipikasyon ni Mama-o sa labor at diplomatic negotiations ang naging basehan ni Pangulong Duterte.

Naniniwala ang Palasyo na malaking tulong si Mama-o para tugunan ang hinaing ng migrant workers.

Ayon kay Andanar, ang kaligtasan, seguridad at kapakanan ng overseas Filipino workers ang palaging pangunahing prayoridad ni Pangulong Duterte.

Hangad aniya ng Palasyo ang tagumpay ni Mama-o bilang bagong kalihim ng Department of Migrant Workers.

Read more...