Lebel ng tubig sa Angat dam, bumaba sa 194.80 meters

Bumaba ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 194.80 meters ang antas ng tubig ng Angat dam bandang 6:00, Miyerkules ng umaga (March 9).

Mababa ito ng 17.20 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.

Nabawasan din ang lebel ng tubig sa San Roque dam (242.80 meters); Pantabangan dam (193.22 meters); Magat dam (170.13 meters); at Caliraya dam (287.02 meters).

Samantala, nadagdagan ang lebel ng tubig sa Ipo dam (98.75 meters); La Mesa dam (78.21 meters); Ambuklao dam (745.81 meters); at Binga dam (573.06 meters).

Read more...