Halos 450 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 449,996,959 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,012,955 cases.
Sumunod na rito ang India na may 42,975,883 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 29,144,964 naman ang kaso sa Brazil habang 23,164,872 ang napaulat na kaso sa France
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 19,307,014
– Russia – 17,081,394
– Germany – 16,144,363
– Turkey – 14,425,638
– Italy – 13,109,527
– Spain – 11,159,574
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,036,320 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 384,250,157 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.