Higit 2 milyong katao, lumikas sa Ukraine – UN

AFP photo

Humigit-kumulang dalawang milyong katao na ang bilang ng mga lumikas sa Ukraine simula nang ikasa ang pananakop ng Russia noong February 24.

Base sa huling datos ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) hanggang March 8, nakapagtala na ng 2,011,312 refugees.

Mahigit kalahati o 1,204,403 refugees ang nananatili sa Poland, habang 210,239 naman ang pumunta sa iba pang European countries.

Inaasahan ng mga awtoridad at UN experts na tataas pa ang naturang bilang habang unti-unting pumapasok ang Russian army sa nasabing bansa, partikular na sa Kyiv.

Bago sumiklab ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, mahigit 37 milyon katao ang naninirahan sa Ukraine.

Read more...