Bagong deputy Ombudsman for Mindanao, itinalaga ni Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Anderson Lo bilang bagong deputy ng Ombudsman sa Mindanao.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Hangad aniya ng Palasyo ang tagumpay ni Lo sa bagong tungkulin.

“We wish Deputy Ombudsman Lo success as we assure him of the Executive’s support in the Office of the Ombudsman’s drive towards good governance in the public sector,” pahayag ni Andanar.

Bago naitalaga si Lo sa bagong posisyon, nagsilbi muna itong Undersecretary ng Presidential Management Staff na nasa ilalim ng Office of the President.

Read more...