Red-tagging kay Robredo, kasinungalingan

Photo credit: VP Leni Robredo/Facebook

Pumalag ang mga retiradong opisyal ng militar sa red-tagging ng mga kritiko sa kampo ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV, sampal sa mukha ng mga kritiko ang pagdagsa ng suporta kay Robredo.

“Judging by reports, I wouldn’t be surprised if there is already a battalion of former military and police colonels and generals that has gone proudly pink,” pahayag ni Trillanes.

Noong Marso 7, nakipagpulong ang mga dating general ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kay Robredo.

“Former AFP and PNP chiefs, all anti-insurgency veterans, have come out for Leni, and their support belies the fake news peddled by conspiracy theorists,” pahayag ni Trillanes.

Si Trillanes ay kumakandidatong Senador sa ilalim ng ticket ni Robredo.

“Kung naniniwala sila sa black propaganda laban kay Leni, hindi sila pipirma ng manifesto, hindi sila mangangampanya para kay Leni,” pahayag ni Trillanes.

Sa naunang media briefing, sinabi nina retired Police Maj. Gen. Generoso Cerbo Jr. at Armed Forces Maj. Gen. Domingo Tutaan na marami pang dating opisyal ng PNP at AFP ang sumusuporta kay Robredo.

Sinabi ng mga dating heneral na suportado nila si Robredo dahil sa mayroong integridad at ‘moral strength’.

Mayroon din aniyang ‘program of action’ si Robredo na tutugon sa problema ng bayan lalo na sa usapin sa defense at security.

Sinabi naman ni Cerbo na ang mantra ni Robredo na ‘Sa Gobyernong Matapat, Angat Buhay ang Lahat’ ay tunay na nararamdaman ng taong bayan.

Sa panig ni Trillanes, sinabi nito na kung walang abilidad si Robredo na pamunuan ang bansa, hindi nito makukuha ang suporta ng mga dating general.

“As we love to say, yang kwento na yan, parang kwentong Tallano, budol na walang basis,” pahayag ni Trillanes.

Read more...