Dating abogado ni BBM na iniupo sa Comelec dumistansiya sa mga kaso

 

COMELEC PHOTO

Inanunsiyo ni bagong Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Erwin Garcia na nag-inhibit na siya sa mga kaso kung saan umaakto siyang election lawyer.

 

“Inuna ko po yung pag-iinhibit, pag-wiwithdraw sa lahat ng kaso kung saan ako po ay may appearance,” sabi ni Garcia.

 

Aniya sinulatan na niya ang clerk of court ng Comelec para sa ‘full disclosure’ ng mga kaso kung saan siya ang principal counsel o collaborating counsel.

 

Binatikos ang pagkakatalaga kay Garcia dahil siya ay kabilang sa mga abogado ni dating Sen. Bongbong Marcos sa electoral protest nito noong 2016, gayundin sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe, na sa nabanggit na taon ay tumakbo sa pagka-pangulo.

 

Sa ngayon, may isa pang disqualification case laban kay Marcos ang nakabinbin sa Comelec 2nd Division.

 

“Bongbong Marcos or whoever is the candidate. Para po sa akin kung ano po yung rule of law, kung ano po yung nasa Constitution yun po yung mananaig,” sabi pa ni Garcia sa isang panayam.

Read more...