‘Red tagging’ sa Leni-Kiko supporters pinalagan ni de Lima

Malaking insulto sa mga tagasuporta ng tambalang Leni Robredo – Kiko Pangilinan ang ‘red tagging’ sa kanilang hanay, ayon kay reelectionist Senator Leila de Lima.

 

Sinabi ni de Lima, napaka-iresponsable ang ‘red tagging’ dahil inilalagay nito sa panganib ang buhay ng mga tagasuporta.

 

“VP Leni’s candidacy is being carried out on the shoulder of a mass movement borne out of an electoral struggle. This early, she can already be considered as a people’s candidate, because no less than ordinary folks and the common people are financing her run and that of her senatorial candidates,” sabi pa ni de Lima.

 

Dagdag pa niya ang ginawa ng mga kalaban ng tambalang Leni-Kiko ay pagpapakita nang panghihina ng kanilang kampaniya at kakapusan ng ideya para manghikayat ng mga botante.

 

Reaksyon ito sa sinabi ni Cavite Rep. Crispin Remulla na ilan sa mga dumalo sa campaign rally nina Robredo at Pangilinan sa Cavite kamakailan ay binayaran at ang ilan ay miyembro pa ng mga komunistang grupo.

 

Una na rin sinabi ng Robredo’s People Council-Cavite na walang basehan, iresponsable at paninira sa reputasyon ang pahayag ni Remulla.

 

Diin pa ng senadora, hindi maitatanggi na buhay-buhay ang ‘volunteerism’ sa kampaniya ni Robredo at Pangilinan.

 

 

Read more...