442 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Screengrab from DOH COVID-19 tracker

Mababa sa 500 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang sa araw ng Martes (March 8), 442 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 3,668,710 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 47,867 o 1.3 porsyento ang aktibong kaso.

Samantala, nasa 57,072 o 1.6 porsyento naman ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 3,563,771 na o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...