Shear line, LPA magdadala ng pag-ulan sa ilang parte ng bansa

DOST PAGASA satellite image

Makararanas ng maulap na kalangitan sa ilang lalawigan sa bansa.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, bunsod ito ng pinagsanib na pwersa ng shear line at low pressure area (LPA).

Mararamdaman ang pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Southern portion ng Palawan, Eastern at Central Visayas, buong Mindanao dulot ng nasabing dalawang weather system.

Huling namataan ang LPA sa layong 245 kilometers Kanluran ng General Santos City bandang 3:00 ng hapon.

Samantala, iiral din ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol region dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Sa bahagi naman ng Metro Manila at iba pang parte ng bansa, asahan ang maaliwalas na panahon, maliban sa mga panandaliang pag-ulan.

Read more...