Ayon sa airline company, apektado nito ang Flight DG 6112 na nagmula sa Naga patungo sa Maynila.
“The aircraft was towed from the runway shortly after 1pm,” saad ng Cebu Pacific.
Tiniyak naman ng airline company na ligtas at walang nasugatan sa 42 pasahero at apat na crew.
“All the affected passengers have been assisted accordingly and have left the airport,” pahayag pa nito.
Sinabi ng Cebu Pacific na sinisikap nilang maibalik sa normal ang kanilang operasyon sa lalong madaling panahon.
Humingi naman ang airline company sa idinulot nitong abala at nagpasalamat sa pang-unawa.
MOST READ
LATEST STORIES