BBM naghihintay ng endorso ni Pangulong Duterte

Patuloy na umaasa ang kampo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makukuha ang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Attorney Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, naghihintay ang kanilang hanay ng valuable endorsement ng Pangulo.

Sinabi pa ni Rodriguez na suportahan sana ni Pangulong Duterte ang kandidatura ni Marcos at ng kanyang ka-tandem na si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Nasa Bulacan ngayon at nangangampanya sina Marcos at Duterte.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya i-endorso si Marcos bilang pangulo ng bansa.

Read more...