Target ng National Economic Development Authority na taasaan ang pondo para sa fuel subsidy o ayuda sa mga drayber sa public utility vehicle.
Sa Talk to the People, iniulat ni NEDA Secretary Karl Chua kay Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa kasalukuyang P2.5 bilyon, itataas sa P5 bilyon ang pondo sa fuel subsidy para maayudahan ang mga drayber dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo bilang epekto sa away ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Chua,target na ipamahagi ang unang bahagi ng ayuda sa buwan ng MArso at ang ikalawang tranche ay sa buwan ng Abril ngayong taon.
Una rito,iminungkahi ng economic managers sa Pangulo na ilagay na sa Alert Level 1 ang buong bansa dahil sa mababa na ang kaso ng COVID-19 at buksan na ang face-to-face classes.
Isinusulong din ng economic managers na dagdagan ang fuel vouchers sa mga agricultural producers mula sa kasalukuyang P500 milyong budget at gawin na P1.1 bilyon na ipamamahagi sa Marso at Abril.