60-day prize freeze ipinatupad sa Camiguin

CamiguinNagpatupad ng animnapung araw na prize freeze sa mga pangunahing produkto ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Camiguin.

Ito ay matapos na magdeklara ng state of calamity ang Camiguin Provincial government dahil sa matinding epekto ng El Niño phenomenon sa lalawigan.

Sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act of the Philippines Section 6, ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay dapat manatiling stable sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.

Pinaalalahanan na ng DTI ang mga business establishment sa lalawigan na sumunod sa pagpapatupad ng prize freeze upang hindi mapatawan ng parusa.

Ang mga negosyo na hindi susunod ay maaring makasuhan at maharap sa parusang pagkakabilanggo ng hanggang sampung taon at multang aabot sa 1 milyong piso.

Read more...