WATCH: Traffic sa Commonwealth Avenue sa QC, ikinairita ng mga motorista

Commonwealth Ave.Nainis ang mga motorista sa pagsisikip sa daloy ng trapiko sa magkabilang panig ng Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa isinarang bahagi ng kalsada upang bigyang daan ang aktibidad ng Iglesia ni Cristo (INC).

Simula alas dose uno ng madaling araw ng May 17, sarado na ang bahagi ng Commonwealth Avenue eastbound lane mula sa Sandiganbayan hanggang sa Litex dahil sa Lingap Pamamahayag ng INC.

Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa pagsasagawa ng medical at dental mission ng INC.

Dahil sa pagsasara ng kalsada, ang mga motorista na patungong Fairview ay pinapakanan sa Sandiganbayan at lalabas sila sa Litex.

Nagbukas din ng linya sa westbound lane para magamit sa counterflow dahilan para maging ang mga patungo sa elliptical road ay maapektuhan ng traffic.

Dahil sa matinding traffic, maraming motorista ang nainis.

Isang motorista pa ang bumaba sa kaniyang sasakyan para tanungin ang  mga tauhan ng MMDA kung bakit pinayagang maisara ang nasabing bahagi ng Commonwealth Avenue.

Read more...