Mga babaeng pasahero, libreng makakasakay sa LRT-2 bukas

LRT-2 Facebook photo

May handog ding libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa araw ng Martes, March 8.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), bahagi ito ng pagdiriwang ng International Women’s Month.

Makakalibre ng pamasahe ang mga babaeng pasahero simula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Maliban dito, magkakaroon din ng blook typing test, blood pressure monitoring at random blood sugar testing sa Recto at Cubao stations simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Read more...