DFA, itinaas na ang Crisis Alert Level 4 sa Ukraine

Reuters photo

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Crisis Alert Level 4 sa lahat ng lugar sa Ukraine.

Ito ay bunsod pa rin ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa ilalim ng naturang alert level, magkakasa ang gobyerno ng mandatory evacuation.

“Under Crisis Alert Level 4, the Philippine Government undertakes mandatory evacuation procedures at government expense,” saad ng Philippine Embassy sa Warsaw, Poland.

Dagdag nito, “Filipinos in Ukraine will be assisted by the Philippine Embassy in Poland and the Rapid Response Team, which are currently assisting Filipino nationals for repatriation and relocation.”

Tiniyak ng DFA na patuloy na tututukan ang political at security developments sa Ukraine.

Read more...