OCTA: Dalawang lugar sa Visayas, ‘very low risk’ na rin sa COVID-19

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Maliban sa apat na lugar na Luzon, bumaba na rin sa ‘very low risk’ status sa COVID-19 ang dalawang lungsod sa Visayas, ayon sa OCTA Research.

Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang March 6, nasa ‘very low risk’ na ang Bacolod at Tacloban.

Nasa ‘low risk’ category naman ang Cebu City, Lapu-Lapu, Mandaue, at Ormoc.

Ani David, nanatili naman sa ‘moderate risk’ ang Iloilo City.

Lumabas din sa datos na nakapagtala ang Bacolod ng -56 percent na one-week growth rate sa mga kaso, -42 percent sa Cebu City, -23 percent sa Iloilo City, -28 percent sa Lapu-Lapu, -2 percent sa Mandaue, 200 percent sa Ormoc, at -48 percent sa Tacloban.

Samantala, nasa 0.18 ang reproduction rate ng Bacolod; 0.31 sa Cebu City, 0.54 sa Iloilo City, 0.33 sa Lapu-Lapu, 0.37 sa Mandaue, 0.27 sa Ormoc, at 0.90 sa Tacloban.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang March 6, nasa 48,793 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.

Read more...