Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, inulan ngayong umaga

Photo from PAGASA
Photo from PAGASA

Nakaranas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Metro Manila ngayong araw.

Ayon sa abiso ng PAGASA, alas 4:40 ng umaga ay nakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila at sa General Nakar sa lalawigan ng Quezon dahil sa thunderstorm.

Nakaranas din ng pag-ulan sa mga lalawigan ng Rizal, Cavite at Bulacan.

Ayon kay PAGASA forecaster Aldzcar Aurello, sa ngayon nananatiling Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang umiiral sa bansa.

Sa maghapon, magiging maulap aniya ang kalangitan at may mararanasang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Batanes, Calayan at Babuyan Islands gayundin sa mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, ARMM at Davao.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Sinabi ni Aurello na wala pa silang nakikitang bagyo o sama ng panahon na papalapit sa bansa.

 

 

Read more...