20,000 na tarpaulins, posters binaklas sa Quezon City

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Aabot sa 20,000 na political ads, billboards, posters at tarpaulins ang binaklas ng Quezon City Law and Order Cluster.

Ayon kay Quezon City Law and Order Cluster Action Officer Elmo San Diego, bahagi ito ng clearing operations sa lungsod.

Paliwanag ni San Diego, binaklas nila ang tarpaulins at posters dahil nasa public areas at non-authorized common poster areas na itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC).

“Lahat ng mga nakapaskil sa mga pampublikong lugar tulad ng terminal, poste ng kuryente, nakasabit sa kawad ng kuryente, tulay, at nakadikit sa mga puno, at streetlights ay tinatanggal namin. Kahit sino pa ang nasa poster, basta nakadikit sa public property at non-common poster area ng COMELEC, aalisin namin dahil ‘yun ang nasa batas,” pahayag ni San Diego.

Sinabi pa ni San Diego na ang pagbaklas sa mga materyales ay base sa City Ordinances SP-3044-2021, SP-2109-2011, SP-2021-2010, NC-153-90, at Republic Act 3571.

Aabot sa 600 na law and order cluster personnel ang nagbaklas sa mga materyales.

“Ang clearing operations natin ay hindi lang para sa mga tarpaulin, kundi pati na rin sa obstructions na ilegal na nakahambalang sa sidewalks natin na nakakaapekto sa mga mamamayan at pedestrian. Tuluy-tuloy ito hanggang sa mga susunod na linggo,” pahayag ni San Diego.

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Read more...