Hirit sa BIR, paalalahanan ang pamilya Marcos ukol sa tax liabilities sa gobyerno

Humihirit si Aksyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na muling magpadala ng liham sa kampo ni presidential candidate Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung babayaran na ang P203.819 bilyong tax liabilities nito sa gobyerno.

Base sa liham ni Ramel kay BIR Commissioner Ceasar Dulay, sinabi nito na 32 taon nang patay si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. subalit hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad ang kanyang pamilya sa tax liabilities.

“His heirs -widow Imelda, only son Ferdinand Jr. and daughters Imee and Irene did not file the estate tax return with the Bureau of Internal Revenue as required by law. Neither did they pay any estate tax,” pahayag ni Ramel.

Binalewala aniya ng pamilya Marcos ang notices na ipinadala ng BIR.

“The BIR, which you now head, must renew written demands on the Marcos heirs to pay these tax liabilities once every five years, otherwise they prescribe and become uncollectable. Past administrations under Presidents Ramos, Arroyo and Aquino have faithfully issued such written demands,” pahayag ni Ramel.

“As Chairman of the Aksyon Demokratiko, the political party of Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, I would like to inquire if the BIR under the Duterte administration has done the same,” dagdag ni Ramel.

Kapag nasingil ang tax liabilities, sinabi ni Ramel na gagamitin ito ni presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na ayuda sa mga mahihirap sakaling manalong pangulo ng bansa.

“On behalf of all taxpayers and citizens of the Philippines, I would like to seek a reply to the simple question: Did the BIR under your watch sent a new written demand to the Marcos heirs regarding the P203 Billion which they owe the Filipino people,” pahayag ni Ramel.

Read more...