May 9 elections, pagkakataong pumili ng totoong lider – de Lima

Sinabi ni reelectionist Senator Leila de Lima na ang eleksyon sa darating na Mayo 9 ay ang pagkakataon para sa mga Filipino na pumili ng mga totoong lider.

Sinabi nito ang kailangan sa ngayon ang mamumuno ng maayos at tapat, bibigyang proteksyon ang mga karapatang pantao at susunod sa batas.

Aniya, nawala ang tiwala sa gobyerno nang malantad ang mga alegasyon ng katiwalian sa panahon ng pandemya.

“Obligasyon ng gobyerno na maglingkod at hindi paglingkuran,” diin nito.

Diin nito, ang susunod na mga mamumuno sa bansa ay dapat papanagutin ang mga masasangkot sa korapsyon, maling paggamit ng pondo at aabuso sa puwesto.

“Kaya panahon nang ibalik ang pamamahala sa mga taong handa at subok na sa paglilingkod sa bayan, iyong hindi gagamitin ang kapangyarihan upang magpayaman at kumapit sa kapangyarihan, kundi para itaas ang kalidad ng pamumuhay ng bawat mamamayan, kabilang na sa aspeto ng kanilang pribadong pamumuhay at sa paglahok sa mga usaping Pambansa at Panlipunan,” sabi pa ni de Lima.

Read more...