Bahagi ito ng pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Day.
Libreng makakasakay ang mga babaeng pasahero simula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard D. Eje, ang libreng sakay para sa mga kababaihan ay pagkilala sa kanilang natatangi at hindi matatawarang kontribusyon sa lipunan.
“Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang Pilipino,” ani Asec. Eje.
Dagdag pa nito, “Nawa sa simpleng paraan tulad ng aming libreng sakay ay makapaghatid tayo ng kasiyahan sa ating mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw.”