Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 446.61 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 446.61 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 446,611,495 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 80,917,522 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,967,077 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 29,049,013 naman ang kaso sa Brazil habang 23,057,326 ang napaulat na kaso sa France

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 19,119,181
– Russia – 16,941,656
– Germany – 15,828,455
– Turkey – 14,353,888
– Italy – 13,026,112
– Spain – 11,100,428

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,019,434 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 379,629,173 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...