870 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Aabot sa 870 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Marso 6.

Ayon sa Department of Health, nasa 3,561,726 na ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.

Sa naturang bilang, nasa 48,793 ang aktibong kaso.

Nasa 144 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan, nasa 57,023 ang kabuuang bilang ng nasawi.

 

Read more...