BBM talo ni Leni sa Google Trends

Nanguna si Vice President Leni Robredo sa mga kandidato sa pagkapangulo bilang most-searched presidential candidate sa Google Trends.

Ayon sa Google Trends, nakakuha si Robredo ng 38 percent kumpara sa katunggaling si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha lamang ng 28 percent.

Ang Google Trends ay website feature ng tech giant na Google na nag-aanalisa sa mga top interest sa Google Search sa ibat-ibang lugar at oras.

Nasa ikatlong puwesto naman si Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nakakuha ng 16 percnt at pang-apat si boxing champion Manny Pacquiao na may 12 oercent at panghuli si Senador Panfilo Lacson na may six percent.

Para sa mga kandidato sa pagka-bise president, nanguna naman si Professor Walden Bello na may 38 percent; Davao City Mayor Sara Duterte na may 32 percent; Senator Francis Pangilinan na may 17 percent; Senator Tito Sotto na may 9 percent at pro-life advocate Rizalito David na may 4 percent.

Nakita rin sa Google Trends na interesado ang mga Filipino sa political issues: education, drugs, economy, tourism, peace, agriculture, at justice.

Una nang inanunsyo ng Google at ng video streaming platform nito na Youtube na palalakasin pa nila ang credible content online.

Mula Pebrero 2021 hanggang Enero 2022, aabot sa 400,000 videos ang una nang tinanggal ng Youtube sa Pilipinas dahil sa paglabag sa community guidelines.

Pinalakas na rin ng iba pang social media platforms kagaya ng Facebook at Twitter ang kampanya laban sa misinformation bago pa man ang eleksyon sa Mayo 9.

 

 

 

Read more...