Malakihang oil price increase, ipatutupad sa susunod na linggo

Binalaan ng Department of Energy ang publiko na maghanda sa panibagong oil price increase sa susunod na linggo.

Ayon kay Rino Abad ng Oil Indsutry Management Bureau ng DOE, pumalo na ngayon sa US$ 116.19 ang kada bariles ng Dubai crude.

Mas mataas ito sa US$ 83.46 kada bariles noong Enero at US$ 83.46 noong Pebrero.

Tiyak aniya na magkakaroon ng malakihang pagtataas ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tumanggi naman si Abad na tukuyin kung magkano ang itataas ng presyo ng produktong petrolyo para hindi maimpluwensyahan ang mga may-ari ng gasolinahan.

 

Read more...