Hiniling ni Senator Pia Cayetano sa mga nagsusulong ng Vape Bill na tigilan na ang pagpapakalat na ang vape ay makakabuti sa mga kabataan.
Diin ni Cayetano nagsisinungaling ang mga nagsasabi na makakabuti ang panukala.
“The proponents say that their bill [solidifies] the provisions of RA 11467 and Executive Order 106 by strengthening the flavor ban on e-cigarettes. If that was the case, then they should have just kept the provision of the Sin Tax Law – which limits vape flavors to plain tobacco and plain menthol only,” sabi ng senadora.
Ayon pa kay Cayetano sa mga ginamit na mga salita ng mga nagsusulong ng panukala, pinapayagan pa ang libo-libong flavors na maipagbili sa merkado.
“How will they even regulate all these flavors? In the US, 55,000 flavors were rejected by the US FDA for failing to provide evidence that they protect public health. Kaya ba natin gawin yun dito? Eh tinanggal pa nga nila sa bill nila ang FDA bilang regulatory body sa e-cigarettes at flavors,” dagdag pa nito.
Aniya mas mabibigyan proteksyon ang mga kabataan kung ang tanging makakabili ng mga produkto ay ang mga nasa edad 21 pataas, gaya ng nakasaad sa Sin Tax Reform Law.