Nagsimula ang sunog sakong alas-9 ng gabi, pero naideklara rin ang fire out pagdating ng 9:42 ng gabi.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa tuktok ng ika-anim na palapag ng North wing building.
Isa sa mga tinitingnang dahilan ng sunog ay ang pag-palya ng linya ng kuryente sa gusali.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ang mga otoridad kaya hindi pa sila makapagbigay ng mga karagdagang detalye ukol sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES