Abugado, patay sa pananambang sa QC

 

Patay ang isa umanong abugado samantalang dalawa pa ang nasaktan sa pananambang sa Brangay Piñahan Quezon City nitong Lunes.

Kinilala ni Sr. Insp. Elmer Monsalve ng QCPD ang nasawing biktima na si Atty. Ferdinand Lopez, batay sa narekober na ID ng Integrated Bar of the Philippines na narekober dito.

Sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng isang kulay violet na Honda Civic na may plakang PHI 723 na minamaneho ng isang Richard Solis at isa pang Jericho Ricafort t.

Pagsapit sa kanto ng East Avenue at BIR Road dito na dinikitan ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo ang sasakyan at pinaulanan ito ng bala.

Agad na tinamaan ang tatlong biktima sa iba’-tibang bahagi ng katawan.

Bagamat naisugod pa sa Eas Avenue Medical Center, nasawi ang biktima sanhi ng tama ng bala sa dibdib at tagiliran.

Samantala, Inoobserbahan naman sa ospital ang dalawa pa nitong kasamahan resulta ng pananambang.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo sa likod ng krimen.

Read more...