Pangulong Duterte, magsisimulang ikampanya ang mga kandidato ng PDP-Laban sa March 25

PCOO photo

Personal na mangangampanya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pambatong kandidato ng PDP-Laban simula sa Marso 25, ang araw ng pagsisimula ng mga lokal na kandidato.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, chairman ng PDP-Laban, magkakaroon ng proactive na papel si Pangulong Duterte sa eleksyon.

Ikakampanya aniya ng Pangulo ang 6,592 national at local candidates ng PDP-Laban.

“The President told us that he will be giving his full support to all our candidates in this year’s elections. Once elected, we will continue all the programs and advocacies of President Duterte from the national to the local level. We are after all the ‘Patuloy na Pagbabago Coalition,” pahayag ni Cusi.

Sa ngayon, wala pang pambato ang PDP-Laban sa pagka-pangulo ng bansa.

Read more...