Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 50,000 pa

Mababa muli sa 1,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Biyernes ng hapon (March 4), 853 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, umakyat na sa 3,665,747 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 50,230 o 1.4 porsyento ang aktibong kaso.

450 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 45,300 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,773 ang moderate, 1,411 ang severe, habang 296 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 232 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 56,770 o 1.55 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,062 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,558,747 o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...