WATCH: Manny Pacquiao, hindi naniniwala sa “Solid North”

Photo credit: Sen. Manny Pacquiao/Facebook

Hindi naniniwala si PROMDI presidential candidate Senador Manny Pacquiao sa tinatawag na “Solid North” na sumusuporta sa kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa dalawang araw na pangangampanya ni Pacquiao sa Pangasinan, sinabi nitong hindi naman pala “Solid North” ang Pangasinan bagkus ay “Solid MP” o solid Manny Pacquiao.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Pacquiao:

Bahagi ang Pangasinan sa tinatawag na Solid North na kilalang balwarte ng mga Marcos.

Nagpapasalamat si Pacquiao sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Pangasinan.

Katunayan, ginawa pang adopted son si Pacquiao ng Barangay Poblacion West sa Dagupan City.

Nakipag-boodle fight din si Pacquiao sa mga residente.

Read more...