221 OFWs sa Hong Kong, nagpositibo sa COVID-19

Reuters photo

Nadagdagan pa ang bilang ng overseas Filipino workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Labor Attache Melchor Dizon ng Philippine Overseas Labor Office sa Hong Kong na nasa 221 na OFW ang tinamaan ng naturang sakit.

Sa naturang bilang, 45 na ang gumaling, 95 ang nasa isolation rooms ng kani-kanilang employers, 22 ang nasa government isolation facility, 22 rin sa non-government organization isolation facility, 23 ang nananatili sa boarding house at naghihintay ng tawag mula sa Center for Disease Control, anim ang nasa hotel facility at walo ang naka-admit sa ospital.

Ayon kay Dizon, sa ngayon ay umakyat na sa 55, 000 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 cases sa Hong Kong hanggang March 2.

Paliwanag ni Dizon, nagsimula ang pagtaas ng kaso ng COVID sa Hong Kong mula noong Eneto sa pagsulpot ng Omicron variant.

Mula aniya sa zero case noong Enero, nagkaroon ng higit 100 kaso, kasunod nitong Pebrero ay 6,000, saka muling tumaas sa 20,000, nitong Marso ay 32, 000 at nitong March 1 ay 55,000 na.

Dahil dito, pansamantalang suspendido ang flights papunta sa Hong Kong mula sa walong bansa na may naitalang higit sa limang kaso na nakapasok doon.

Kabilang sa mga bansanag ito ang Pilipinas, Amerika, Canada, United Kingdom, Nepal, Pakistan at dalawang iba pa.

Read more...