Bahala na ang Duterte administration sa isyu ng death penalty-Palasyo

 

Bahala na ang susunod na administrasyon sa usaping pagbabalik ng parusang kamatayan sa Pilipinas.

Reaksyon ito ng Malacañang sa sinasabing plano ni presumptive president elect Rodrigo Duterte na pagpapatupad muli ng death penalty oras na maupo siya sa Palasyo.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., ang pagpapatupad muli ng death penalty ay mangangailangan ng pag-amyenda sa kasalukuyang saligang batas.

Dahil aniya diyan ay mas marapat na na talakayin na lamang ang nasabing usapin ng susunod na kongreso.

Sinabi ni Coloma, na dapat na bigyan ng pagkakataon na mapakinggan at maunawaan ang mga itinutulak na polisiya ng papasok na administrasyon.

Una nang sinabi ni Duterte na desidido siyang ibalik ang parusang bitay partikular sa mga kasong may kinalaman sa droga at iba pang henious crime tulad ng robbery with rape.

Read more...