Duterte hindi na pupunta ng Vatican

 

Hindi na itutuloy ni presumptive president Rodrigo Duterte ang kaniyang unang plano na pumunta sa Vatican upang personal na humingi ng tawad kay Pope Francis nang murahin niya ito noon sa isang panayam.

Ayon kay Duterte, sapat na ang ipinadala niyang apology letter, na sinagot pa ng Vatican nang may kalakip na pangako ng pagdarasal para sa kaniya.

Ani Duterte, baka kapag pumunta siya doon, bawiin pa ng Vatican ang mga dasal para sa kaniya.

Katwiran niya, isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang nagsabi na hindi naman malinaw sa response letter ng Vatican kung napatawad na ba siya ni Pope.

Gayunman, naniniwala siyang kaibigan niya ang Panginoon at lagi siyang humihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya sa mundo.

Matatandaang minura ni Duterte si Pope Francis dahil sa sobrang inis nang danasin nila ang malalang traffic noong Papal visit.

Read more...