Pinapurihan ni reelectionist Senator Leila de Lima ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagboto sa United Nations General Assembly, na pagpapahiwatig ng pagkondena sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay de Lima kapuri-puri rin ang naging posisyon ng DFA kung ikukumpara sa mga naging pahayag ng iba pang opisyal ng administrasyong Duterte na dapat ay maging ‘neutral’ lamang ang Pilipinas.
“Of course, the Philippines cannot stay neutral on this barbarous invasion of a peaceful nation without forfeiting its place in the international community that is the United Nations. Unprovoked and without justifiable cause, Russia’s premeditated attack on Ukraine violates the UN Charter and constitutes the crime of aggression which is a crime against humanity,” paliwanag pa ni de Lima.
Diin pa nito, dapat makiisa ang bansa sa mga nagpapahayag na hindi dapat nambu-bully ang mga malalaking bansa ng mga maliliit na bansa gamit ang kanilang mas malakas na puwersa.
“We should be clear that there is no room for blackmail using superior might and overwhelming force to intimidate, coerce, and threaten sovereign nations as they charter their own course in the international stage as chosen by their people,” sabi pa ng senadora.
Dapat din aniyang manawagan ang bansa sa gobyerno ng Russia na paatrasin na ang kanilang puwersa at ihinto na ang pananakop sa Ukraine.