989 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Mababa muli sa 1,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon (March 3), 989 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, umakyat na sa 3,664,905 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 50,458 o 1.4 porsyento ang aktibong kaso.

463 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 45,510 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,773 ang moderate, 1,415 ang severe, habang 297 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 34 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 56,538 o 1.54 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,349 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,557,909 o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...