Walang pribadong eskwelahan ang magtataas ng matrikula ngayon.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na walang mga pribadong eskwelahan ang humirit ng tuition fee increase.
Paliwanag ni Briones, maaring tinitimbang ng mga may-ari ng pribadong eskwelahan ang pandemya sa COVID-19.
Marami na rin kasi aniya sa mga estudyante sa pribadong eskwelahan ang lumipat sa mga pampublikong eskwelahan dahil hindi nakayanan ang matrikula.
Paglilinaw naman ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na hindi maaring mataas ng singil sa matrikula ng walang konsultasyon sa DepEd.
MOST READ
LATEST STORIES