Mga pulis na positibo sa COVID-19, mababa na sa 15

Patuloy ang pagbaba ng mga pulis na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (March 3), dalawang pulis lamang ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, nasa 48,817 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Ngunit sa nasabing bilang, 14 na lamang ang aktibo pang kaso.

Samantala, limang pulis naman ang gumaling sa nakakahawang sakit, kung kayat nasa 48,675 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...