‘Hintayin nyo na lang ang opisyal na resulta ng VP race’-PPCRV

 

Inquirer file photo

Nagbabala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV kina vice presidential candidate Leni Robredo at Bongbong Marcos na iwasang magbigay ng mga pahayag na nagbibigay ng kalituhan sa publiko.

Tinutukoy ng PPCRV ang mga pahayag kamakailan ng magkabilang panig na kapwa nagsasabing sila na ang nanalo sa nakaraang botohan para sa pagka-bise presidente.

Ayon kay PPCRV chair Tita de Villa, hindi pa naman ‘conclusive’ ang resulta ng bilangan ng boto at hindi pa ito maitururing na batayan upang sabihing may nanalo na sa VP race.

May nalalabi pa aniyang halos isang milyong boto na hindi pa nabibilang kaya’t posibleng magkaroon pa ng pagbabago sa resulta ng eleksyon.

Maging ang Malacañang ay nagsabing makabubuting hintayin ang opisyal na resulta ng botohan bago magbunyi ang alinmang panig.

Matatandaang noong Linggo, idineklara ni Robredo na siya na ang nanalo sa nakaraang botohan dahil ‘mathematically impossible’ naaniya na makahabol pa si Sen. Marcos sa kanyang nakalap na boto.

Gayunman, maging si Sen. Bongbong ang nagpahayag na siya ang nanalo sa nakaraang May 9, elections.

Read more...