21 Filipino seafarers ligtas na nailikas mula sa Chornomosk, Ukraine

DFA photo

Nailikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 21 Filipino seafarers mula sa Chornomosk, Ukraine.

Sinabi ng kagawaran na ligtas na dumating sa Moldova ang mga Filipino seafarer na sakay ng all-Filipino crew ng MV S-Breeze.

Dalawang batch ng seafarers ang dumating sa Moldova noong February 27 at March 1.

Naisakatuparan ang paglikas sa tulong ni Philippine Honorary Consul sa Moldova Victor Gaina, katuwang ang Philippine Embassy sa Budapest sa pamumuno ni Ambassador Frank Cimafranca at ng Philippine Consulate sa Chisinau.

Nakadaong ang M/V S-Breeze na isang bulk carrier sa Ilyichevsk Ship Yard sa Port of Odessa, simula noong January 27, 2022.

Nananatili ang mga crew sa accommodation nito ngunit humiling na mapabilang sa repatriation dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa ngayon, nasa 27 Filipino na ang nailikas mula sa Ukraine patungong Moldova.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Budapest at Philippine Consulate sa Chisinau na aayusin nila ang repatriation ng seafarers pauwi ng Maynila sa lalong madaling panahon.

Para sa mga Filipinong malapit sa Moldova at Romania borders na kailangan ng repatriation assistance, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Hungary:

Budapest PE emergency hotline
+36 30 202 1760

ATN Officer Claro Cabuniag
+36 30 074 5656 (mobile)
+63 966 340 4725 (viber)

Moldova:

Honorary Consul Victor Gaina
Mobile number (also WhatsApp no.(sad) +37369870870 or email addresses: victor.gaina@phconsulate.md or consul@phconsulate.md

Read more...