Isko-Sara tandem, itinutulak ng “ISAng PILIPINAS”

May nilulutong bagong tandem ang grupong “ISang Pilipinas” sa eleksyon sa Mayo.

Ito ay ang tambalang Manila Mayor Isko Moreno at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-presidente at bise presidente.

Ayon kay Ikaw Muna (IM) Pilipinas Visayas Region convenor at “ISAng Pilipinas” proponent Nick Malazarte, ipapanalo ng kanilang grupo ang tambalang Isko-Sara.

Ang “ISAng Pilipinas” ay kilalang grupo na binubuo sa bansa at sa abroad.

Ayon kay Malazarte, mahalagang magkaisa ang mga botante sa susunod na eleksyon para makapaghalal ng mga bagong lider na maayos at tutugon sa global health crisis.

Sa press briefing sa Cebu, sinabi ni Malazarte na ang tambalang Isko-Sara ang best choice para sa mga Filipino at sa bansa.

Tiwala ang grupo na ang tambalang Isko-Sara ang tunay na nakababatid sa problema ng bayan.

“There is a growing desire of many erstwhile Duterte supporters for an Isko-Sara administration. They are both metaphors of decisive leadership and performance. Yorme has shown this country the leadership required in one of the biggest health crisis this planet has faced while Mayor Inday Sara showed the heart required in a leadership role,” pahayag ni Malazarte.

“Mayor Moreno have ushered the city of Manila to the kind of urban renewal at par with the world standard. It was done in a hyperdrive mode,” dagdag ni Malazarte.

Ang IM Pilipinas ang pinakamalaking network ng volunteers na humikayat kay Moreno na tumakbong pangulo ng bansa.

“They are an ideal tandem that never was but thru the efforts of patriotic citizens the possibility can be real. As head of the Ikaw Muna Visayas, I am fervently urging our national convenors and all our fellow voters to heed the call of a big segment of our society and be part of history in the making,” pahayag ni Malazarte.

“The challenges we face as a nation have changed so does our choice,” dagdag ni Malazarte.

Read more...